Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

ANG UNANG ARAW NG BAGO NAMING GURO







Karamihan ng estudyante dito sa Kolehiyo Ng Edukasyon ay naging masaya at mayroong kuryosidad sapagkat magkakaroon na ng substitute ang nag-leave naming guro dito na si Dr. Elsa E. Durante. Siya kasi ay nagkasakit at kinakailangan ng pahinga para sa kanyang kalusugan.

Ang aming dekana na si Dr. Zoraida A. Monserate ay nagpaalam na ngaayong araw ang simula ng bago naming guro sa Filipino Literature 1 - Ang Panitikan ng Filipino. Kanyang sinabi sa amin na iyo raw ay nirekomenda ng dekana ng University of Nueva Caceres at sa edad na 25 taong gulang nakapagtapos na ng Masteral Degree at gusto pang mag-aral ng Doctoral Degree ngunit siya'y sinabihan daw ng dekana ng University of Nueva Caceres na magturo na muna upang maranasan na ito sa unang pagkakataon. Pakitunguhan daw namin ito ng maganda na ipinangako naman namin kay Mam Zoraida.
Noong nakaraang araw ay nakita ko na siya na nakasuot na itim na polo at pantalon, naisip ko tuloy na siguro ang lungkot ng buhay nito o maaring emo. At sa pangalawang pagkakataon, sa pangalawang palapag ng silid-aklatan habang ako ay nasa proseso ng panghihiram ng aklat. Nang bumaba na ako, nakita ko siya na nagbabasa na hindi ko alam kung libro o ano pa man, malabo kasi ang mata ko kaya hindi ko masyadong nakita.Nag-iisa siya at nasabi ko sa sarili ko na gusto palagi nitong mag-aral, mag-aral ng mag-aral kaya siguro malaki na ang eye-bag nito kaysa sa akin (hahahahah).

Nang oras na ng sabjekt na Fil. Lit. 1 na kanyang ituturo sa amin, naghahanda kami kasi sabi ni Mam Zoraida, ito ang unang pagkakataon na siya ay magtuturo at sabihin daw ng aming mayor na kami ang adbaysori klas niya. Nakakatawa nga, kasi noong dumating si Sir, pumunta agad si Edizon sa unahan para ipaalam ito kay Sir.

Ang pangalan ng aming bagong guro ay Irvin P. Sto. Tomas. Siya ay ipinanganak noong Enero 6, 1983 sa lugar ng Canaman, Camarines Sur. Ang kanyang e-mail add. ay IrvinSto.Tomas@yahoo.com at ang cellphone namber niya ay 09186214105. Pinakuha niya kami ng isang apatang papel na kung saan ilalagay doon ang aming pangalan, edad, kapanganakan, kontakt namber, e-mail add., at pangalan ng mga magulang.

Ang magiging kaganapan sa klase kung siya ay dumating na, may magsasabi ng tribya at balita na bago o latest, pagkatapos nito ay talakayan sa klase ng piling mag-aaral na magtuturo na kung saan sila ay gagawa ng banghay-aralin at isasagawa ito.

May ipinakita siyang halimbawa ng blog sa amin at natunugan ko na siguro ay gagawa rin kami nito katulad ng binanggit sa akin ng kaibigan at dati kong kaklase. Kung gusto raw namin na bisitahin ito ay mangyari lamang na bisitahin sa www.coconuter.blogspot.com at www.delfindjmontano.blogspot.com. Sinabi niya sa aming lahat na bawat isa ay gagawa ng blog upang makapasa sa sabjekt na ito. Inisa-isa niya ang bawat hakbang nito sa amin kasi hindi pa kami nakakaranas na gumawa nito. Alam namin na mayroong blog pero hindi namin alam kung paano makakagawa nito. Kung tutuusin maganda ang pinapagawa ni Sir Irvin sa amin ngunit halos lahat sa amin ay kapos sa pera upang magkompyuter, kaya iyan ang napakalaki naming problema.

Magkakaroon daw kaming portfolio kung saan dito ilalagay ang mga draft na ilalagay sa aming sariling blog.

Maari raw kaming magkaroon ng reaksyon sa isinulat sa blog ng aming mga kaklase.

Sana magawa ko ng maayos ang draft at blog.

Walang komento: