Biyernes, Disyembre 12, 2008

ANG PAGTATALAKAY SA PINAGMULAN NG MGA PANGALAN NG MGA BAYAN DITO SA CAMARINES SUR




Ang nagbigay ng tribya ngayong umaga ay si Diwata na patungkol sa AIDS. Maraming kaming natutunan sa kanya, katulad ng mga sumusunod:

- ito ang pinahuling yugto ng HIV

- hindi ito nakakahawa sa pamamagitan ng taong may AIDS, paggagamit sa parehong plato, kutsara, tinidor o baso, pagkagat ng lamok sa taong may AIDS patungo sa iba; sapagkat mahina ang nasabing bayrus sa labas ng katawan ng tao, madali ito mamatay at mananatili lamang sa loob ng isang tao, kung saan ito ay mabilis na dumarami at pinapatay ang mga anti-bodies ng tao

- nakakahawa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik

- nagmula ito sa bansang Africa at tinawag na "grid"

- ang bayrus ay galing sa mga unggoy

-walang sintomas napinapakita sa unang yugto ng sakit

-tanging mga eksperto lamang ang nakakadetikta sa pamamagitan ng masusing pag- iimbestiga sa loob ng isang tao

Pagkatapos ng pagbibigay ng tribya tumungo na kami sa talakayan sapagkat walang nagbigay ng balita. Ang nagtalakay ay si Mark Anthony sapagkat siya rin ay pinaulit ni Sir Irvin. Nang matapos na siya, pumunta ang aming guro sa unahan upang italakay ang mga pinagmulan ng mga pangAan dito sa Camarines Sur. Nagtanong din siya sa aking mga kaklase sa pinagmulan o alamat ng kanilang bayan. Ngunit hindi namin ito natapos.

Mga Bayan sa Camarines Sur - Alamat o Pinagmulan ng Pangalan

  • Baao - baoo (hayop)

  • Balatan - pangalan na Mayor

  • Bato - maling dinig ng Kastila

  • Bumb0on - maling dinig ng Kastila sa bonbon ( pagkatay ng manok)

  • Buhi - nakatakas sa pagputok ng Mayon Volcano

  • Bula - (walang may alam sa'min)

  • Calabanga - maraming mga kabalang o sa ibang bersyon din kalakbalangan

  • Camaligan - maraming kamalig

  • Canaman - cana

  • Caramoan - kara at namo

  • Del Gallego - pangalan

  • Gainza - apelyido ng pari

  • Garchitorena - pangalan

  • Goa - (walang may alam sa'min)

  • Iriga - "Iraga" - may lupa (daga sa Bikol)

  • Libmanan - limawan

  • Lupi - damong "lupi"

  • Magarao - damong "garaw"

  • Milaor - "me - laor" - may tubig

  • Minalabac - mina - lubog, mina - lubac

  • Nabua - mga "bua" o ampolo

  • Naga - ahas o narra

  • Ocampo - (walang may alam)

Miyerkules, Disyembre 10, 2008

ANGPAGBIBIGAY HALIMBAWA NI SIR IRVIN NG AWIT







Hindi nasunod ang dapat na kaganapan o ang pasunod-sunod na pangyayari sa klase. Ngunit nagbigay naman ng mga halimbawa si Sir Irvin sa Awit. Ito ay isinulat noong 1920's ni Mariano Villafuerte, kung saan, ito ay ang ama ng aming Congressman na si Luis Villafierte, upang magandang pakinggan at magkaroon ng buhay - ito ay tungkol sa ating Ina - "Nuestra SeƱora de PeƱafrancia". At nagbigay pa siya ng ibang halimbawa - Ang "Istorya can Canaman".

  • Ang nilalaman ay galing sa mga pag-aaral na isinagawa o galing sa kasaysayan, ngunit isinulat sa isang masining na paraan.

Lunes, Disyembre 8, 2008

ANG PAGPLAPLANO SA "CHRISTMAS PARTY"





Kami ay nagkaroon ngayong umaga ng pagplaplano sa gagawin na "Christmas Party na magaganap sa Disyembre 18, taong kasalukuyan, tinawag din itong "Year -End Party" ng aking mga kaklase. Ito ay pinasimulan ng aming Mayor na si Edizon. Naging maayos naman ito at nagkaroon ng isang kaisipan. Inilagay ni Sir Irvin sa pisara ang mga kailangan na isumite sa kanya tulad ng Reaction Paper sa ginanap na aktibiti, bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan ng mga Bikolano, librong hindi nabenta, blog address, drafts at written report ng tribya at balita.

Biyernes, Disyembre 5, 2008

ANG PAG-UULAT MULI NI JINNELYN





Ang nagbigay ngayong umaga ng tribya ay si Doming na patungkol sa "Christmas Tree". Walang nagbigay ng balita, kung kaya't tumungo na kami sa talakayan. Muling nagtalakay si Jinnelyn sa Panitikan, subalit hindi siya natapos pero ipagpapatuloy naman ito sa susunod na araw. Sinabi ni Sir na humanap daw kami ng mga uri ng tula.

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

ANG PAGKAKAROON NG BIGLAANG MAIKLING PAGSUBOK





Pagkatapos ni Sir Irvin na mag-tsek ng atendans, pinakuha niya kami ng isang apatang-papel sa pagkat magkakaroon kami ng maikling pagsubok ukol sa Panitikan na tinalakay ni Jinnelyn, Mark Anthony at Marlon. Ito ay may bilang na dalawampu. Nakakuha ako ng labing-apat na tama. Ibinigay ni Sir Irvin ang mga kinakailangan para sa prelims, ito ay ang mga drafts,written report ng tribya at balita, lista ng pumasa ng Bikolanong Literatura, banghay-aralin at blog. Nagkaroon ng kami ng takdang-aralin na kung saan magpapasa ngkami ng bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan ng mga Bikolano. Magpipili lang kami rito at limang halimbawa lamang. Ipinaalala niya sa amin ang aming proyaekto sa sabjekt na ito, ang dokyumentasyon sa naganap na Literary Contest. Sana ay maipasa na ito ng aming mga opisyal sa klase.