


Ako naman ngayong umaga ang magbibigay ng tribya sa harapan ng buong klase na tungkol sa artikulong "Stomach bug-treatment para sa kanser" ni jaggerkieth. Samantalang si Merygen naman ang magbibigay ng balita. Mayroon akong nalabag sa gustong mangyari ni Sir sa pagbibigay ng tribya kagaya ng mga nauna pa sa amin na nagbigay nitong dalawa. Medyo naintindihan ko ng kaunti ang kanyang gustong sabihin, iniisip ko na "perpeksyunist" si Sir kasi palagi na lang kami may mali at palagi na lang siya nagtatanong pero ayos lang kasi para naman ito sa amin, upang kami ay matuto at gumawa ng maayos batay sa alituntunin. Kaya babaguhin ko ang pormat ng aking tribya na naayon sa nais niya.
Pagkatapos namin dalawa ni Merygen at sa pagtatama ni Sir Irvin tumungo na kami sa pag-uusap-usap o pagpupulong tungkol sa isasagawang Literary Contest ngunit hindi na naman kami natapos kasi dumating na ang takdang oras para sa susunod na sabjekt.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento