Biyernes, Nobyembre 14, 2008

ANG PAGSISIMULA NG BAGONG KAGANAPAN SA KLASE





Ngayon ang araw ng pagsisimula ng bagong kaganapan sa klase namin ng BEEd-2 sa sabjekt na ito. Ito ay pinasimulan nina Carla at Shiela Mae. Si Carla ang nagbigay ng tribya na patungkol sa Reggae at marami akong natutunan sa kanya katulad ng " kung sino ang ama ng Reggae " - ito ay si Bob Marley, "ano ang tawag sa kanyang hairdo" - ito ay tinatawag na dreadlocks na kung saan ang buhok ay ginagansilyo at hindi binabasa upang ito ay tumigas, "ano ang tawag sa nagpa-dreadlocks" - ito ay tinatawag na rasta, nalaman ko na ang kahulugan pala ng dreadlocks sa wikang Ingles ay "no God" na ginagawa ito sa buhok upang magtuligsa - nakuha ko ang impormasyon na ito sa telebisyon. Samantala, si Shiela Mae naman ang nagbigay ng balita na patungkol sa ulat-panahon na magaganap dito sa ating bansa. Ipinagpatuloy naman ni Robert ang pagtalakay sa hindi niya natapos na iuulat tungkol sa "Panahon ng Kastila". Naging masaya ang talakayan dahil kumanta kami ng awiting-bayan at may kasamang tunog buhat sa dala naming instrumentong musikal. Ipinaalam pala ni Sir noong nakaraang araw na mag-uulit ang nakatalakay na, kasi hindi niya alam kung ano ang ibibigay na marka para sa kanila at ang bawat magtatalakay o magtuturo, gagawa ng banghay-aralin. Kumanta kami ng isang awiting-bayan ng mga Bikolano na may pamagat na "Ako Baga Ikus", isinulat noon ni Anseli at Sir Irvin sa pisara ang alam nilang bersyon kung saan halos magkatulad din ito datapwat may kaunting pagkakaiba kung tututusin. Pinag-usapan namin ang mga halimbawa at uri na Panitikan na binanggit sa pag-ulat tulad ng panunuluyan kung isasalin sa dayalektong Bikol ay "harung-harong", senakulo na napapanod tuwing Mahal na Araw. Ipinabasa ni Sir Irvin kay Doming ang isang uri o halimbawa na panunuluyan na Bikol. Nabasa ng aking katabi at kaibigan na si Eva ang isa sa mga organayser at konklusyon niya ay maaring iyon ay ama ni Sir Irvin. Sinabi pla niya na sa darating na Disyembre 12, taong kasalukuyan may gaganapin sa kanilang lugar (Canaman) na "harung-harong" nais niya raw na kami ay pumunta doon upang mapanood ito. Hindi natapos ang pag-uulat ni Robert kung kaya't sa susunod na lamang ito ipagpapatuloy. Nabusog na naman ako ng panibagong kaalaman ngayong umaga, kahit pinagsasabay ko ang pakikinig sa kanila at pag-aaral sa World Lit. dahil may long quiz kami ngayong umaga.

Walang komento: