


Ngayon na malalaman ang lahat, sapagkat ito na ang araw ng "Activity Day", kung saan mangyayari ang Literary Contest na inorganayst naming BEEd-2. Napakaunti naman ng sumali para sa Tigsik at Rawit-dawit. Naisip ko tuloy na hindi magiging maganda ang resulta nito, sa ibang salita - hindi matagumpay. Pero sana dumagdag ang mga sasali. Karamihan sa amin ay naging abala para rito. Pagkahapon, ibinigay na ang hatol kung sino ang mga nanalo para sa dalawang kategorya. Inayos muli ang dinausan - ang laybrari, sapagkat tapos na ang contest.
- Ang laybrari ay naging lugar upang ibigay ng mga kalahok ang kanilang ginawang komposisyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento