Biyernes, Nobyembre 21, 2008

ANG PAGSUSUMITE KAY SIR IRVIN NG LITERARY MASTER PIECE NA GAWA NG MGA BIKOLANO





Ang katabi ko na at kaibigan na si Eva ang nagbigay ng tribya ngayong umaga na tungkol sa Edukasyon kung saan patungkol din sa Panitikan. Nagkaroon na naman ng mga katanungan at suhestiyon si Sir Irvin sa pagbibigay namin ng tribya. Naguguluhan na naman ako, kasi parang may kulang sa isinulat ko sa papel na tribya ngunit hindi ko na ito papalitan kasi sayang sa coupon bond, siguro maiintindihan na lang iyon ni Sir ang isinulat ko. Walang nagbigay ngayon ng balita dahil tumungo na kami sa naudlot na pag-uusap o pagpupulong tungkol sa Literary Contest. Kahapon, maraming tinext si Sir Irvin na magsusumite raw kami ng isang literary pieces na gawa ng mga Bikolano Bago dumating ang mga Kastila o Panahon ng mga Kastila, na ibibigay sa kanya ngayong linggo, ngayon ay araw ng Biyernes, kaya maaaring nangangahulugan ito na ngayon kami magbibigay. Wala pa akong maisusumite kay Sir kasi hindi pa ako nakakapag-research nito, pero sabi ni Sir sa isa naming kaklase, pwede pa raw sa Lunes, kaya ayos lang kung mahuli, kasi para raw ito sa aming Literary Contest kung saan maaari itong ilagay sa dadausan na lugar - ang laybrari. Kahit ano raw na uri ng Panitikang Bikolano basta nakasulat sa dayalektong Bikolano.

1 komento:

gagerpaeth ayon kay ...

Slots | Top Real Money Casinos in the Netherlands
Find the 포커 페이스 best online slots 라이브스코어사이트 games on Wooricasinos! We compare the best slot machines 999betasia in 스포츠 토토 the world to offer great bonuses 10벳 for your deposit.