Ang katabi ko na si Cyra ang nagbigay ngayong umaga ng tribya na patungkol sa isang uri ng Panitikan - Ang Patula. Nalaman namin na ito pala ay kinakanta noong
unang panahon at ang may-akda ay kinakailangan na huwag tatapusin ang kanyang komposisyon upang dugtungan ng kanyang katabi o iba pang nakikinig sa kanya, na naayon naman sa paksa ng tula. Samantalang si Gherlyn naman ang nagbigay ng balita na patungkol sa ulat-panahon din, kagaya ni Shiela Mae noong nakaraang araw. Nagbigay rin si Sir Irvin ng kanyang sariling tribya, nalaman namin na siya pala ang naggawa ng Bikol Wikipedia, nasabi ko tuloy sa sarili ko na ang talino talaga ni Sir. Ibinigay niya ang pormat na aming susundin kung kami raw ay magbibigay ng tribya o balita. Ang karamihan ay naguguluhan at hindi maintindihan ito, lalung-lalo na ako, natatakot ako, kasi ako na ang susunod na magbibigay ng tribya tapos hindi ko pa nakukuha ang gusto niyang sabihin (lagot na ako).
Ipinaalam niya pala sa amin na sa susunod na linggo ay ang "National Book Week" na may tema na "Ang batang palabasa dalubhasa sa kultura". Kami raw ay mag-oorganayst ng isang Literary Contest na pumopokus sa dalawang uri ng Panitikan ng mga Bikolano ang Rawit-dawit at Tigsik, nais kasi ni Sir Irvin na pagyamanin daw natin ang Panitikang Bilkolano. Kami ang naatasan dito kasi mayroon na raw gagawin ang ibang klase. Iniisip ko na napakahirap naman ng pinapagawa ni Sir Irvin, una iyong blog ngayon naman ito, pero kung iisipin sa ibang banda maganda naman ang epekto nito para sa amin, kasi magiging responsable kami at malalaman namin ang pagagawa ng iba't ibang gawain o tungkulin at bago na naman itong eksperyens. Sana ay magawa namin ng maayos ang blog at itong Literary Contest. Marami palang gagawin upang maisakatuparan itong contest, napakahirap naman, ang matatambakan ng trabahio rito ay ang opisyal ng klase. Ito pala ang mga opisyal ng BEEd-2 ngayong pangalawang semestre:
Mayor: Edison CaƱas
Bise-Mayor: Robert Arrabis
Kalihim: Sherelyn Naz
Ingat-Yaman: Gemma Rose Saliente
Tagapagbalita: Aaron Zachary Imperial
Taga-suri: Edfe Lucero
Business Managers: Mel Joseph Florendo, Anseli Clado
Hindi namin natapos ang pag-uusap kaya ang mangyayari magkakaroon ng pagpupulong bukas ng umaga.