


Ngayong umaga ay hindi nasunod ang kaganapan sa klase. Walang nagbigay ng tribya, balita, at talakayan. Ngunit nag-usap-usap kami ukol sa gagawing Literary Contest, at napagdesisyunan na ang bawat isa ay gagawin na ang kanilang mga asayment. Ako ay naatasan na magbigay ng anawsment sa ECE, kung kaya't kami ay aalis na dito sa klasrum upang ilahad sa kanila ang tungkol sa contest. Pero bago kami pumunta doon, nagbigay na muna kami ng anawsment sa ME, sapagkat kasama ko ang mga naatasan sa kanila, at iisa lamang na papel ang ipapakita sa guro upang mabigyan ng permiso na maglahad. Naging maayos naman ang pangyayari. Sana maraming sumali sa kanila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento