


Pagkatapos ni Sir Irvin na mag-tsek ng atendans, pinakuha niya kami ng isang apatang-papel sa pagkat magkakaroon kami ng maikling pagsubok ukol sa Panitikan na tinalakay ni Jinnelyn, Mark Anthony at Marlon. Ito ay may bilang na dalawampu. Nakakuha ako ng labing-apat na tama. Ibinigay ni Sir Irvin ang mga kinakailangan para sa prelims, ito ay ang mga drafts,written report ng tribya at balita, lista ng pumasa ng Bikolanong Literatura, banghay-aralin at blog. Nagkaroon ng kami ng takdang-aralin na kung saan magpapasa ngkami ng bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan ng mga Bikolano. Magpipili lang kami rito at limang halimbawa lamang. Ipinaalala niya sa amin ang aming proyaekto sa sabjekt na ito, ang dokyumentasyon sa naganap na Literary Contest. Sana ay maipasa na ito ng aming mga opisyal sa klase.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento